^

Metro

Abot-kayang palibing inilunsad sa QC

-
Isang programa ukol sa abot-kayang palibing ang inilunsad kamakailan ng Quezon City local government para sa mga kapus-palad na residente ng naturang lungsod.

Sa pamamagitan ng isang resolution ni District 2 Councilor Winston ‘Winnie’ Castelo, tuluyan nang naisulong ni Quezon City Mayor Feliciano "Sonny" Belmonte Jr. ang proyektong "Serbisyong Palibing" matapos makipagkasundo ang alkalde sa Philippine Mortuary Association of the Philippines para sa pagpapatupad ng nasabing programa.

Base sa kasunduan, sasagutin ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang halagang P3,000 hanggang P6,500 na funeral expense ng isang bata o matandang namatay.

Ayon kay Castelo, kabilang na sa nasabing halaga ang gastusin para sa kabaong, paburol, embalsamo, karo at pati na rin ang paghakot ng bangkay mula sa lugar na kinamatayan ng nasawi. Bukod dito, tatanggap din ang benepisaryo ng P500 hanggang P2,000 bilang funeral assistance mula sa local government.

Nauna rito, isinulong ni Castelo ang Resolution No. 2801 S-2005 na naglalayong maiahon ang mga mahihirap na residente ng Quezon City sa mahal na gastusin sa pagpapalibing ng mga nasawi nilang kamag-anak. Pinaliwanag ni Castelo na doble hirap ang sinasapit ng mga pulubing pamilya sa tuwing sila’y namamatayan dahil bukod sa napahiwalay na mahal sa buhay ay nababaon pa ang mga ito sa utang dahil sa napakataas na gastusin sa pagpapalibing.

AYON

BELMONTE JR.

BUKOD

CASTELO

COUNCILOR WINSTON

PHILIPPINE MORTUARY ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

RESOLUTION NO

SERBISYONG PALIBING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with