Tiongco, hindi totoong audio expert
November 2, 2005 | 12:00am
Ilang personalidad na ang nadamay sa sinasabing pagpipiyansa sa umanoy teroristang si Daud Santos.
Una nang nasangkot sa pagpapalaya kay Santos ang broadcaster na si Julius Babao na eksklusibong naka-interview sa kanya bago ito maaresto ng mga awtoridad.
Agad namang itinanggi ni Babao ang akusasyon at itinuro niya ang sinasabing audio-expert na si Jonathan Tiongco na siya umanong nagpakilala lamang sa kanya kay Santos.
Ayon sa isang opisyal sa Quezon City Police District na tumangging magpakilala, isinasailalim na sa background check si Tiongco upang masampahan ng kaso.
Sa inisyal na pagsisiyasat, nabatid na si Tiongco ay hindi isang audio expert tulad ng pagpapakilala sa kanya ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Mike Defensor nang iprisinta ito ng kalihim sa press conference sa Hello Garci tapes.
Nabatid na si Tiongco ay sangkot umano sa negosyo ng pirated CD at VCD na nakabase sa San Francisco del Monte sa Quezon City.
Sinasabi rin na si Tiongco ay may patung-patong na kasong kriminal sa National Bureau of Investigation tulad ng murder, frustrated murder, homicide, frustrated homicide at illegal possession of firearms.
Napag-alaman din na dating miyembro ng Task Force Jericho ng Department of Interior and Local Government si Tiongco.
Una na ring pinabulaanan ni Tiongco na may kinalaman siya sa pagpapiyansa ni Santos at itinuro ang isang pulitiko na responsable dito. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended