^

Metro

Pulis-Pasay target ng manhunt

-
Isang manhunt operation ang inilunsad ngayon ng awtoridad laban sa isang kagawad ng Pasay City Police makaraang 13 ulit nitong pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang tsuper, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagpapakita sa kanyang hepe ang suspect na si SPO1 Emmanuel Ocampo, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 1 ng Pasay City Police Headquarters.

Batay sa ulat, dakong alas-11 ng gabi nang pagbabarilin ni Ocampo ng 13 beses ang biktima na si Romeo Yango Sr., driver at residente ng #2105 Tramo St., Pasay City sa tapat mismo ng bahay ng huli.

Sinubukan pang dalhin ang biktima ng mga kamag-anak sa Pasay City General Hospital ngunit minalas na hindi na ito umabot pa ng buhay.

Nabatid na bago ang insidente ay kasalukuyang nagpapahangin ang biktima sa labas ng kanyang bahay nang biglang lasing na dumating si Ocampo sakay ng isang motorsiklo at huminto sa harapan ng biktima.

Dahil sa pagkabigla ay napatingin ang biktima kay Ocampo na labis namang ikinairita ng huli at sinigawan ang una ng "ano ang problema mo?".

Dahil lasing ang pulis ay hindi na umano ito pinatulan ng biktima at sa halip ay tumalikod na lamang ito na lalong ikinagalit ng una hanggang sa magwala ito at pinagbabaril ang biktima ng 13 beses na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Kasalukuyan namang inaalam pa ng mga awtoridad ang nakalap na impormasyon na bukod sa lasing si Ocampo ng pagbabarilin nito ang biktima ay lango din umano ito sa ipinagbabawal na droga. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BIKTIMA

DAHIL

EMMANUEL OCAMPO

LORDETH BONILLA

OCAMPO

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY POLICE HEADQUARTERS

POLICE COMMUNITY PRECINCT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with