Lider ng Sigue-Sigue Commando todas
October 31, 2005 | 12:00am
Agad na nasawi ang isang pinaniniwalaang lider ng kilabot na grupo ng Sigue-Sigue Commando makaraang pagbabarilin ito ng mga miyembro ng kalabang grupo, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng bala ng .45 kalibre ng baril sa katawan ang biktima na si Jesus Pedrosa, 43-anyos at residente ng ACO Homes, Phase 9, Bagong Silang, nabanggit na lungsod.
Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya sa mga suspect na kinilalang sina Dick Tejada, kapatid nitong si Mark at isang Danny Hustler na pawang mga residente ng Phase 3, Bagong Silang, Caloocan City.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng biktima.
Nabatid na bago ang insidente, nakipag-inuman ang biktima sa mga suspect at nang malasing ay ipinakita ng una sa mga suspect ang kanyang tattoo ng Sigue-Sigue Commando at sinabing lider siya ng naturang grupo.
Agad namang bumunot ng baril ang isa sa mga suspect at pinaputukan ang biktima bago mabilis na nagsitakas ang mga ito.
Sinasabing mahigpit na kalaban ng mga suspect ang grupo ng biktima at nang malaman ng mga ito na lider ang biktima ng kanilang kalabang grupo ay agad nila itong pinatay. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended