High-tech gadgets ng criminal syndicates, tatapatan ng NBI
October 30, 2005 | 12:00am
Tatapatan umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ng malalakas at makabagong armas ang mga criminal syndicates at lawless elements na gumagamit ng matataas na kalibre ng baril at high technology gadgets.
Ayon kay National Capital Region (NCR) Chief Atty. Ruel Lasala, bibili ang kagawaran ng 100 pirasong Kevlar bullet-proof vest at 100 pirasong Baby Armalite bilang pantapat sa mga criminal elements na higit na lumalakas at gumagamit na rin ng makabagong armas para sa kanilang mga ilegal na operasyon.
Idinagdag pa ni Lasala na ang bullet-proof vest na gagamitin para sa kanilang tactical operations ay nagkakahalaga ng P2.6 million, habang ang mga Armalites naman ay may kabuuang halaga na P8.5 million. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest