Trader at helper patay sa mga holdaper
October 30, 2005 | 12:00am
Nasawi ang isang 35-anyos na babaing negosyante at ang helper nito makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang mga holdaper nang manlaban ang mga una sa mga suspect, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Kapwa patay na nang idating sa Fairview General Hospital sa Quezon City sanhi ng tama ng bala sa katawan sina Jennifer Manuel, ng Block 3, Lot 4, Bororian, Pitong Bahay St., Brgy. 177, Maligaya Park, nabanggit na lungsod at Ricky Tupas, 27-anyos at stay-in helper ng una.
Batay sa nakalap na ulat sa pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Pitong Bahay St., Maligaya Park, Caloocan City.
Napag-alaman na naglalakad papauwi ang mga biktima kasama ang dalawang kaibigan nang biglang sumulpot ang mga suspect sakay ng isang motorsiklo na Enduro na hindi na nagawang makuha pa ang plaka.
Agad na lumapit ang mga suspect at tinutukan ng baril ang mag-amo at sapilitang kinuha ang pera at alahas ng trader ngunit sa pagkakataong ito ay biglang nanlaban si Tupas na ikinairita ng mga suspect dahilan upang pagbabarilin sila ng mga ito.
Habang duguang humandusay sa kalsada ang mga biktima ay agad namang tumakas ang mga suspect tangan ang P100,000 pera ng trader, tatlong gintong singsing na nagkakahalaga ng P20,000 at isang Nokia 2100 na cellular phone.
Sa kasalukuyan ay isang follow-up operation ang isinasagawa ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspect para sa agarang pagka-aresto ng mga ito. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended