^

Metro

DBM office nasunog

-
Palaisipan ngayon kung aksidenteng nasunog o sinadyang sunugin ang isang bahagi ng gusali ng Department of Budget and Management (DBM) sa gilid ng Palasyo ng Malacañang nang maabo ang tinatayang P50M halaga ng ari-arian kahapon ng umaga.

Sinabi ni Supt. Pablito Cordeta, hepe ng Manila Fire District, wala nang mapakinabangan sa mga computers at mga dokumento sa loob ng natupok na DBM computer room sa building 3 ng naturang gusali.

Dakong alas-6:20 ng umaga nang bigla na lang sumiklab ang malaking apoy sa unang palapag ng gusali na makikita sa may panulukan ng Ayala Blvd. at Solano St., San Miguel, Maynila.

Umabot sa 45 minuto ang naturang sunog na umabot sa ikalimang alarma kung saan nadamay din ang katabing tanggapan na tinatawag na "server room".

Hindi naman agad nagbigay ng posibleng dahilan ng sunog si Cordeta dahil sa kailangan pa umanong magsagawa ng masusing imbestigasyon.

Ipinapalagay naman na sensitibo ang naturang biglaang sunog sa gusali ng DBM lalo na’t sumingaw ang kontrobersiya ukol sa "fertilizer fund anomaly" ng Department of Agriculture na inilabas ng DBM.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi dahil sa tiyempong wala pang empleyado ng gobyerno nang mag-umpisa ang naturang sunog. (Danilo Garcia)

AYALA BLVD

CORDETA

DAKONG

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

MANILA FIRE DISTRICT

PABLITO CORDETA

SAN MIGUEL

SOLANO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with