2 karnaper patay sa shootout
October 29, 2005 | 12:00am
Patay ang dalawa sa apat na carjacker makaraang makipagpalitan ito ng putok sa mga kagawad ng Traffic Management Group (TMG), kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.
Isa pa lamang sa nasawi ang nakikilala, ito ay si Jeremy Estanislao, 24, ng Barrio Sto. Niño, Pasay City, habang nakatakas naman ang dalawa pa sa mga kasamahan ng mga ito.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng madaling-araw sa kahabaan ng Tunnel ng Boni Avenue ng lungsod na ito.
Nauna rito, kinarnap ng apat na armadong suspect ang Isuzu Crosswind na may plakang ZAP-935 na minamaneho ng isang Christopher Custodio sa harapan ng KFC Restaurant sa kanto ng Mindanao at Congressional Avenue sa Quezon City.
Eksakto namang papadaan ang Mobile 11 ng TMG na nagsasagawa ng anti-carnapping operation sa lugar kaya nakahingi ng tulong ang biktima.
Matapos ituro ng biktima ang dinaanan ng mga suspect ay mabilis itong hinabol ng mga tauhan ng TMG hanggang makarating ang habulan sa may tunnel sa Mandaluyong City na dito nagkaroon ng pagpapalitan ng putok sa magkabilang panig na ikinasawi ng dalawa sa mga suspect. Nakatakas naman ang dalawa pang kasamahan ng mga ito lulan ng isang Toyota Revo.
Nasamsam sa mga suspect ang dalawang kalibre .45 baril at mga bala.
Sinasabing ang grupo ay sangkot sa serye ng karnap na nagaganap sa Quezon City at karatig lugar. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended