33-anyos binoga ng mga kasamahan
October 28, 2005 | 12:00am
Onsehan sa partihan ng nakulimbat ang sinasabing motibo sa pagkapaslang sa isang 33-anyos na lalaki ng apat nitong kasamahan, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Tatlong bala ng baril ang itinanim sa ulo ng biktimang si Romeo Milana at residente ng Talanay Area B, Cama de Gloria Ext., Brgy. Batasan Hills ng nasabing lungsod.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa isang bilyaran sa may Commonwealth Avenue. Nabatid na bago ang insidente ay namataan ang biktima na kinakaladkad ng apat na hindi nakikilalang suspect pababa sa isang overpass sa may BF Road sa nabanggit na lungsod.
Ayon pa sa ilang saksi naulinigan umano nila sa mga suspect na tila may hinihingi at hinahanap sa biktima na hindi umano ibinigay ng huli hanggang sa dalhin ito sa isang bilyaran at doon tatlong ulit na pinaputukan ng baril sa ulo na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Nabatid sa mga operatiba ng Batasan Station na ang napaslang na biktima ay kilabot umanong holdaper ng mga pampasaherong FX taxi sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at sa iba pang lugar sa lungsod. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended