^

Metro

13th month sa Pasig City Hall maagang ibibigay

-
Isang maagang Pamasko ang iniregalo ng pamunuan ng lungsod ng Pasig matapos na ianunsyo nito kahapon na ibibigay nila ang 13th Month pay ng mga empleyado bago dumating ang araw ng Undas.

Ayon kay Pasig City Mayor Vicente "Enteng" Eusebio, ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado ng Pasig City Hall ay upang may magastos ang mga ito sa darating na araw ng Undas kung saan tatagal nang halos isang linggo ang bakasyon ng mga empleyado.

Dagdag pa ni Eusebio, isusunod naman nilang ibigay sa unang linggo ng Disyembre ang 14th month pay nila at karagdagang P5,000 cash gift.

Napag-alaman sa rekord na mayroong 4,160 empleyado ang Pasig City Hall. 1,159 dito ay permanente at 3,301 ay contractual.

Naibigay nang maaga ang bonus ng mga empleyado matapos na makuha ng lungsod ng Pasig ang tax collection target ngayong taon at inaasahan din na sa susunod na taon, matapos na makapagpasok ng 22,000 bagong business establishments ang lungsod ngayong taon lang na ito, tumaas ng 77 porsyento ng nakaraang 2004. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

DAGDAG

DISYEMBRE

EDWIN BALASA

ENTENG

EUSEBIO

PASIG

PASIG CITY HALL

PASIG CITY MAYOR VICENTE

UNDAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with