Ito ang kinumpirma kahapon sa ginanap na press briefing sa Camp Aguinaldo ni Justice Secretary Raul Gonzalez matapos na iharap ng mga opisyal ng AFP kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang walo sa siyam na nasakoteng terror suspect sa raid sa Zamboanga City noong Miyerkules ng madaling araw.
Sinabi pa ng Justice secretary na ibababa ng korte ang hatol matapos na ang mga ito ay isailalim sa tatlong buwang paglilitis mula ng masakote noong huling bahagi ng Pebrero.
Kabilang sa nakatakdang hatulan sina Gappal Bannah Asali, alyas Boy Negro; Angelo Trinidad, alyas Abu Khalil; Bamal Baharan, alyas Tapay at ang Indonesian na si Rohman Abdul Rahim, alyas Zaki/ Jacky.
Magugunitang kasabay ng naganap na bus bombing sa Makati, nagkaroon din ng dalawang insidente ng pagpapasabog sa General Santos at Davao na ikinasawi ng anim pang katao, habang kulang sa 50 ang nasugatan. (Joy Cantos)