^

Metro

Hatol sa Valentine’s day bomber, ibababa ngayon

-
Ibababa na ngayong araw na ito ng Makati City Regional Trial Court ang hatol sa mga bomber na kinabibilangan ng Indonesian national na sangkot sa Valentine’s Day bombing sa lungsod na kumitil sa buhay ng 3 katao habang marami pa ang nasugatan.

Ito ang kinumpirma kahapon sa ginanap na press briefing sa Camp Aguinaldo ni Justice Secretary Raul Gonzalez matapos na iharap ng mga opisyal ng AFP kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang walo sa siyam na nasakoteng terror suspect sa raid sa Zamboanga City noong Miyerkules ng madaling araw.

Sinabi pa ng Justice secretary na ibababa ng korte ang hatol matapos na ang mga ito ay isailalim sa tatlong buwang paglilitis mula ng masakote noong huling bahagi ng Pebrero.

Kabilang sa nakatakdang hatulan sina Gappal Bannah Asali, alyas Boy Negro; Angelo Trinidad, alyas Abu Khalil; Bamal Baharan, alyas Tapay at ang Indonesian na si Rohman Abdul Rahim, alyas Zaki/ Jacky.

Magugunitang kasabay ng naganap na bus bombing sa Makati, nagkaroon din ng dalawang insidente ng pagpapasabog sa General Santos at Davao na ikinasawi ng anim pang katao, habang kulang sa 50 ang nasugatan. (Joy Cantos)

ABU KHALIL

ANGELO TRINIDAD

BAMAL BAHARAN

BOY NEGRO

CAMP AGUINALDO

GAPPAL BANNAH ASALI

GENERAL SANTOS

JOY CANTOS

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with