^

Metro

Manila judge pinosasan sa checkpoint

-
Hindi pinagbigyan ng mga elemento ng Manila Police District (MPD) ang isang hukom ng Manila Regional Trial Court matapos na posasan at arestuhin nila ito nang tumangging magpasailalim sa inspeksyon sa isang checkpoint sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang inaresto na si Judge Nicanor Manalo ng Manila RTC Branch 4 na may ilang oras din na nadetine sa loob ng MPD-General Assignment Section.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na pinara ng mga elemento ng MPD-Mobile Unit ang sasakyan na minamaneho ni Manalo sa may Jorge Bocobo St., Ermita sa itinatag nilang checkpoint.

Ayon sa mga pulis, bumaba umano si Manalo sa sasakyan at pinagsabihan ang mga pulis na sumita sa kanya kasabay ng pagpapakilala na isa siyang huwes.

Gayunman, inaresto pa rin siya ng mga awtoridad at dinala sa presinto.

Ayon kay Supt. Arturo Paglinawan, hindi umano nagpatalo ang magkabilang panig dahil sa inaakalang pareho silang may katwiran. Ayaw umanong magpasailalim sa inspeksyon ni Manalo dahil sa hindi naman ito masamang tao bukod pa sa pagiging opisyal, habang nangatuwiran naman ang mga pulis na ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin.

Sa loob ng istasyon, nagkaroon ng paliwanagan sa pagitan ng magkabilang panig hanggang sa palayain si Manalo. Ngunit naging matigas naman si Manalo na nagbabala na magsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga pulis na umaresto sa kanya.

Nito lamang nakaraang Martes ng gabi, nakabangga naman ng mga tauhan ng Mobile Unit si dating Makati Vice-Mayor Bobby Brillantes na sinigawan din ang mga pulis na pumara sa kanya sa isang checkpoint sa may Malate, Maynila. (Danilo Garcia)

ARTURO PAGLINAWAN

AYON

DANILO GARCIA

ERMITA

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

JORGE BOCOBO ST.

JUDGE NICANOR MANALO

MANALO

MOBILE UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with