May kanser nagbigti

Kaysa maghirap pa sa sakit na cancer, winakasan na ng isang 45-anyos na lalaki ang kanyang buhay matapos itong magbigti, kahapon sa Las Piñas City.

Nasawi noon din ang biktimang si Bernabe Cabusao, nakatira sa Mustasa St., Evergreen Subd., Brgy. Pulang Lupa, Las Piñas City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga nang matagpuan ang biktima mismo sa loob ng kuwarto nito ng kanyang anak na si Richard, kung saan nakatali ang leeg nito ng nylon cord at nakasabit sa kisame.

Nabatid na bago isinagawa ng biktima ang pagpapakamatay, nagpaalam pa ito kay Richard, na ayon dito ay mawawala na siya kung saan akala lamang nito ay nagbibiro lamang ang ama.

Itinaon ng biktima na wala siyang kasama sa bahay kung kaya’t naisagawa niya ang pagpapatiwakal.

Nabatid na matagal nang dinadaing ng biktima ang kanyang cancer na kaysa maghirap pa, minabuti na lamang nitong kitlin ang sariling buhay. (Lordeth Bonilla)

Show comments