^

Metro

Ex-vice mayor ng Makati, huli sa checkpoint

-
Inaresto ng mga kagawad ng Manila Police District (MPD) ang isang dating Bise-Alkalde ng Makati City matapos na tumanggi umanong magpa-inspeksyon ng kanyang sasakyan at pagmumurahin ang mga pulis sa isang checkpoint, kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Kinilala ni SPO1 Angelito Guiang ng MPD-Mobile Patrol unit ang dating bise alkalde na si Bobby Brillantes, 58, ng #9805 Kamagong St., Makati City, na dinala nila sa istasyon matapos ang insidente sa checkpoint sa may Singalong St. at Pres. Quirino Avenue sa Malate.

Sinabi ni Guiang na pinara nila ang kotseng Mitsubishi (RAU-129) na minamaneho ni Brillantes sa ginawa nilang checkpont sa naturang lugar. Tumanggi umano ito sa inspeksiyon at nagpakilalang opisyal ng Department of Trade and Industry.

Ayon pa sa mga pulis, pinagsisigawan at pinagmumura pa sila ni Brillantes na nauwi sa pagtatalo. Inimbitahan naman nila ang dating lokal na opisyal sa istasyon at kusa naman itong sumama.

Matapos ang ilang oras, malayang nakalabas din naman si Brillantes sa loob ng MPD-General Assignment Section matapos na magkapatawaran sila ni Guiang.

Itinanggi naman ni Brillantes ang akusasyon ng mga pulis sa umano’y pagmumura niya sa mga ito at hindi pagpapasailalim sa inspeksiyon sa kanyang sasakyan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANGELITO GUIANG

BOBBY BRILLANTES

BRILLANTES

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

GUIANG

KAMAGONG ST.

MAKATI CITY

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with