Hindi na kinailangan pang mag-dispatch ng libreng sakay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa marami naman ang bumiyaheng pampublikong sasakyan
Samantala, sa kabila naman nang pagmamatigas ng MMDA, lumambot din ang naturang ahensiya dahil tuluyan nang sinuspinde ng mga ito ang pagpapatupad ng kontrobersiyal na Metro Traffic Ticketing (MTT) at Non-Contact Traffic Apprehension (NCTA) System bunsod na rin sa pinagkaisahang kautusan ng mga miyembro ng gabinete sa Malacañang alinsunod na rin sa kautusan ng korte.
Sinabi ni MMDA General Manager Robert Nacianceno, kinumpirma nito na ang TVR ang kanila na lamang ipatutupad o iisyu sa mga tsuper na lumalabag sa batas trapiko.
Nabatid na sa isang cabinet meeting noong Sabado sa Malacanang, pinagkasunduan ng mga ito na atasan ang MMDA na tuluyan nang huwag ipatupad ang MTT at NCTA System base na rin sa utos ng korte.
Ang MTT at NCTA System ay isa sa mga binabatikos ng sektor ng transportasyon at isa sa dahilan ng kanilang tigil-pasada.
Malaki ang paniwala na kung kaya humina ang tigil-pasada kahapon ay dahil na rin sa inunahan ito nang pagtigil ng MMDA sa pagpapatupad sa MTT at NCTA. (Lordeth Bonilla)