^

Metro

‘Tigil-pasada’ hindi halos naramdaman

-
Hindi halos naramdaman ang isinagawang umano’y malawakang ‘tigil-pasada’ ng transport groups sa Metro Manila, kung saan marami pa rin ang nasumpungang nagpasada.

Hindi na kinailangan pang mag-dispatch ng ‘libreng sakay’ ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa marami naman ang bumiyaheng pampublikong sasakyan

Samantala, sa kabila naman nang pagmamatigas ng MMDA, lumambot din ang naturang ahensiya dahil tuluyan nang sinuspinde ng mga ito ang pagpapatupad ng kontrobersiyal na Metro Traffic Ticketing (MTT) at Non-Contact Traffic Apprehension (NCTA) System bunsod na rin sa pinagkaisahang kautusan ng mga miyembro ng gabinete sa Malacañang alinsunod na rin sa kautusan ng korte.

Sinabi ni MMDA General Manager Robert Nacianceno, kinumpirma nito na ang TVR ang kanila na lamang ipatutupad o iisyu sa mga tsuper na lumalabag sa batas trapiko.

Nabatid na sa isang cabinet meeting noong Sabado sa Malacanang, pinagkasunduan ng mga ito na atasan ang MMDA na tuluyan nang huwag ipatupad ang MTT at NCTA System base na rin sa utos ng korte.

Ang MTT at NCTA System ay isa sa mga binabatikos ng sektor ng transportasyon at isa sa dahilan ng kanilang tigil-pasada.

Malaki ang paniwala na kung kaya humina ang tigil-pasada kahapon ay dahil na rin sa inunahan ito nang pagtigil ng MMDA sa pagpapatupad sa MTT at NCTA. (Lordeth Bonilla)

GENERAL MANAGER ROBERT NACIANCENO

LORDETH BONILLA

MALACA

MALACANANG

MALAKI

METRO MANILA

METRO TRAFFIC TICKETING

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

NON-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with