4 solons kinasuhan sa rali
October 25, 2005 | 12:00am
Sinampahan na ng mga kasong kriminal ng Manila Police District (MPD) ang apat na partylist congressman at 11 lider ng militanteng grupo na nanguna sa marahas na kilos-protesta noong nakaraang Biyernes sa may Recto Ave., Manila.
Sinabi ni Supt. Arturo Paglinawan, hepe ng General Assignment Section ng MPD, isinampa na nila sa Manila Prosecutors Office ang mga kasong obstruction at paglabag sa Batas Pambansa 880 o Illegal Assembly Act.
Kasama sa kinasuhan sina Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo, Rep. Teddy Casino, Rep. Crispin Beltran at Gabriela Rep. Liza Maza.
Kinasuhan din ang mga lider ng militanteng grupo na sina Renato Reyes, Carol Araullo, Nathaniel Santiago, Antonio Tino, Rafael Mariano, Ronald Lumbao, Manny Camponero, Arman Armonilla, Rebert de Castro, Cristina Palabay at Raymond Villanueva.
Sinabi ni Paglinawan na malinaw na lumabag sa batas ang mga raliyista matapos na hindi sundin ng mga ito ang permit to rally na ibinigay sa kanila na nagtatakda na malaya silang makapagsagawa ng programa sa may Liwasang Bonifacio na isa sa pinangalanang "freedom park" sa lungsod ng Maynila.
Sa halip, nagmartsa ang may 5,000 mga raliyista sa may Claro M. Recto Ave. at tinangkang pasukin ang Mendiola na isang "no rally zone" na nagresulta ng pakikipagbanggaan sa mga anti-riot police ng MPD.
May 26 umanong mga pulis kung saan karamihan ay mga lady cops ang nasugatan sa naturang komprontasyon dahil sa pambabato at pamamalo ng mga demonstrador.
Dahil sa pangyayari, ibabalik na ng MPD ang mga truncheon at baton sa mga anti-riot police upang maipagtanggol naman ng mga ito ang kanilang sarili laban sa mga mararahas na raliyista. (Danilo Garcia at Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest