Pulis-Maynila suspect sa chop-chop victim
October 24, 2005 | 12:00am
Isang pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) ang itinuturong pumatay at nagchop-chop sa katawan ng isang lalaki kamakalawa ng madaling-araw sa Quezon City.
Ito ang nakasaad sa reklamo ni Carmelita Mendoza, ina ng chop-chop victim na si Michael Mendoza, 19, matapos na malaman ang kalunus-lunos na sinapit ng kanyang anak.
Sa salaysay ng testigong si John, nakita niyang tinawag ang biktima ng suspect na pulis na nooy nakikipag-inuman sa isang nangangalang Tito sa Road 8, Brgy. Proj. 7 ng nasabing lungsod.
Dito ay ginulpi at tinutukan ng baril ng suspect ang biktima hanggang sa isakay sa isang owner type jeep. Ito na umano ang huling araw na nakita niyang buhay ang biktima hanggang sa matagpuan sa ibat ibang lugar sa lungsod ang pinagputul-putol na bahagi ng katawan nito sa Brgy. Pinyahan, Old Samson Road, Brgy. Veterans at Brgy. Bahay Toro kamakalawa ng madaling araw.Hinahanap pa ang dalawang braso nito.
Aminado din ang testigo na hindi niya alam ang pangalan ng pulis subalit makikilala niya ito kung makikita niya ang lahat ng larawan ng pulis na nakatalaga sa MPD. Nagtutungo lamang ito sa Munoz dahil sa umanoy kanyang kinakasama.
Idinagdag pa ni Carmelita na hindi naman umano notoryus ang kanyang anak dahil madalas lamang nadadamay sa gulo. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended