^

Metro

MM paparalisahin ng transport group

- Edwin Balasa, Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja, -
Pansamantalang titigil sa pamamasada ngayong araw ang libu-libong driver para lumusob sa tanggapan ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando at iprotesta ang anila’y mapaniil na pagpapatupad ng Expanded Value Added Tax na ang tatamaan ay pangkaraniwang mamamayan. Bitbit din ng grupo ang reklamo sa kontrobersiyal na Metropolitan Traffic Ticket (MTT) at Traffic Violation Receipt (TVR) at pagbibitiw sa puwesto ni Fernando.

Ayon sa MMDA, alas-9 pa lamang ng umaga ay magtitipon na sa Makati ang libu-libong mga driver at operator.

Sinabi naman ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Director Vidal Querol na may sapat silang tauhan na nakaantabay sa Makati habang nagsasagawa ng rally ang mga transport groups bukod pa sa mga pulis na tutulong din sa magmamantina ng daloy ng trapiko.

Nananawagan lamang si Querol sa mga raliyista na maging disiplinado at kilalanin ang batas upang maiwasan ang anumang karahasan tulad ng nangyari sa mga nagdaang rally sa Maynila.

Umaasa din si Querol na hindi lalahukan ng mga cause-oriented groups o militanteng grupo ang rally dahil ang permit na ibinigay ay para lamang sa mga transport group.

Aniya, isang panloloko ang gagawin ng mga militanteng grupo kung lalahok ang mga ito dahil idinadaing lamang ng mga drivers at operators ang paniniket at pagtaas ng presyo ng krudo.

Kasama sa protesta ang grupo ni Orlando Marquez, presidente ng Makati Jeepney Operators na tinatayang aabot sa 7,000 at kilalang supporter umano ni Makati Mayor Jejomar Binay.

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DIRECTOR VIDAL QUEROL

EXPANDED VALUE ADDED TAX

MAKATI

MAKATI JEEPNEY OPERATORS

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METROPOLITAN TRAFFIC TICKET

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with