^

Metro

Nagbebenta ng pekeng prangkisa, fare matrix timbog

-
Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang jeepney operator na nagbebenta ng mga pekeng prangkisa at taripa sa mga operator at driver sa isinagawang entrapment operation sa Ermita, Manila, kahapon.

Mismong si LTFRB Chairperson Elena Bautista ang nagpadakip sa suspect na si Danilo Candaba, dating chairman ng Alabang Transport Cooperative at residente ng Pamplona, Las Piñas City.

Nabatid kay NBI Assistant Director Nestor Mantaring na humingi sa kanila ng tulong si Bautista matapos na matukoy nila si Candaba na siyang nagpapakalat ng mga pekeng prangkisa at taripa na ginagamit ng mga jeepney driver sa kanilang pagbibiyahe.

Ipinaalam mismo ni Bautista sa NBI na dumadalo sa isang pulong sa Manila Pavillion si Candaba kasama ang mga lider ng iba’t ibang transport group upang buuin ang Manila Pavillion Transport Cooperative. Nabatid na ipinagmamalaki ni Candaba sa naturang pulong na kaya niyang magproseso sa LTFRB ng mga fare matrices at ipamahagi sa mga operators.

Agad na inaresto ng mga tauhan ng NBI-National Capital Region ang suspect sa naturang hotel nang personal na kilalanin at ituro ni Chairman Bautista.

Nakaditine ngayon sa NBI detention cell si Candaba at nahaharap sa kasong falsification of official documents sa Department of Justice. (Danilo Garcia at Angie dela Cruz)

ALABANG TRANSPORT COOPERATIVE

ASSISTANT DIRECTOR NESTOR MANTARING

BAUTISTA

CANDABA

CHAIRMAN BAUTISTA

CHAIRPERSON ELENA BAUTISTA

DANILO CANDABA

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF JUSTICE

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with