2 holdaper patay sa shootout
October 22, 2005 | 12:00am
Dalawang hindi pa nakikilalang holdaper ang nasawi makaraang makipagpalitan ng putok ng baril ang mga ito sa mga pulis, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.
Ang mga suspects na pinaniniwalaang mga miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang ay namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng insidente matapos magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan. Tinataya ang mga ito na nasa gulang na 25-35 anyos, habang isa pa nilang kasamahan ang nakatakas sakay sa isang motorsiklong walang plaka.
Ayon kay Supt. Manuel Gearlan, hepe ng Marikina Police, naganap ang insidente dakong alas-6:50 ng gabi nang magsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis laban sa mga suspect makaraang mangholdap sa isang pampasaherong jeep sa may Chile St. Greenheights Subdivision, Concepcion Uno ng nabanggit na lungsod.
Matapos ang panghoholdap agad na nakahingi ng tulong sa nagpapatrulyang pulis ang mga biktima.
Inabutan ng mga pulis ang mga suspect tapat ng Agora Complex, Brgy. Sto. Niño ng nabanggit na lungsod.
Dito na umano nagpalitan ng putok ang magkabilang panig kung saan nasawi ang dalawa sa mga suspects. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended