MPD-SWAT at Maritime police nagkairingan sa Pier
October 21, 2005 | 12:00am
Muntikang dumanak ang dugo nang magkairingan sa ikalawang pagkakataon ang mga miyembro ng Manila Police District-Special Weapons and Tactics (SWAT) at mga miyembro ng Maritime Police dahil sa sigalot sa mina ng iron ore na pinipigilang magbiyahe patungo sa China kahapon sa Manila North Harbor, Tondo.
Nabatid na dakong alas- 2:30 ng hapon nang magkairingan ang may 40 miyembro ng Maritime police na siyang namamahala sa Harbour Center Port Terminal kasama ang ilang mga security guard kalaban ang may 20 miyembro ng SWAT na may back-up na higit din sa 20 security guard buhat sa Kingston Security Agency.
Ayon kay Atty. Roberto Romanillos, vice-president ng Matatag Mining Corporation, nakatakda nilang ideliber sa isang kliyente sa China ang may 15,000 metriko toneladang iron ore ngunit pinigilan sila ng MPD-SWAT at Kingston Security na inarkila umano ng isang Willy Keng na nagpakilalang presidente ng kompanya.
Una umanong tinangka nilang hakutin ang naturang mga mina noong Oktubre 13 ngunit dumating ang mga miyembro ng MPD sa pangunguna ni Supt. Arturo Paglinawan ng General Assignment Section. Dito unang nagkatutukan umano ng baril ang mga miyembro ng SWAT at Maritime Group ngunit nagpasya ang grupo ni Romanillos na ipagpaliban ang paghahakot sa mina.
Nitong Oktubre 14, nagpadala pa ng mga tauhan ng Mobile Unit sa pangunguna ni Supt. Co Yee Co ng MPD upang bantayan ang naturang mga mina ng bakal para makatiyak na hindi ito mahahakot.
Tinangka muling hakutin ng grupo nina Romanillos kahapon ang naturang mga mina na nagkakahalaga ng P18 milyon ngunit muling rumesponde ang mga miyembro ng MPD-SWAT kahit hindi nila hurisdiksyon ang Harbour Center kaya dalawang trak lamang ang naisakay patungo sa China.
Sinabi naman ni Romanillos na nagpadala na sila ng liham kay MPD director Pedro Bulaong at sa CIDG upang mamagitan sa naturang insidente na maaaring magresulta sa pagdanak ng dugo ng kapwa mga pulis kapag nagkatuluyan na magbarilan ang magkabilang panig. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest