^

Metro

Streamer ads binaklas: 6 MMDA kinasuhan

-
Anim na kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang inakusahan ng kasong pagnanakaw at inaresto matapos nilang baklasin ang mga streamer ng ads ng isang telecommunication company dahil sa nakakasagabal umano sa pagmamantina ng daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Nakilala ang mga naaresto na sina Zosimo Domingo, 42; Reynante Laz, 36; Beinvenido Sablay, 36; Albert Velasquez; Antonio Minica at Jose dela Cruz, pawang mga nakatalaga sa Metropolitan Landscape Management Office.

Ang mga ito ay inakusahan ng pagnanakaw at pinadakip ng pamunuan ng isang telecommunication company matapos nilang baklasin ang mga streamer ng ads ng kompanya na matatagpuan sa panulukan ng EDSA at Quezon Avenue.

Ngunit ang ginawang hakbangin ng naturang mga kawani ay umano’y legal dahil ang may kautusan nito ay ang pamunuan ng MMDA.

Idinahilan ng MMDA na nakakaabala sa pagmamantina ng daloy ng trapiko ang streamer na kung tutuusin pa aniya naiilawan pa ito ng poste ng MMDA at ang nagbabayad ng bill ay ang nasabing ahensiya.

Dahil dito, inatasan ni MMDA Chairman Bayani Fernando si Gen. Manager Robert Nacianceno na huwag pabayaan at bigyan ng legal assistance ang anim na MMDA employees. (Lordeth Bonilla)

ALBERT VELASQUEZ

ANTONIO MINICA

BEINVENIDO SABLAY

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

LORDETH BONILLA

MANAGER ROBERT NACIANCENO

METRO MANILA

METROPOLITAN LANDSCAPE MANAGEMENT OFFICE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with