Kinilala ang isa sa mga suspects na si Lamberto Muriel, 18, na umanoy lider ng grupo kasama ang tatlo pa na nasa edad na 15 hanggang 17-anyos, pawang residente ng M.H del Pilar Brgy. Parang ng nasabing lungsod.
Ang mga ito ay kakasuhan ng robbery with physical injury matapos na holdapin at bugbugin ang biktimang si Efren Santos, 24, ng Batasan Heights, Quezon City na ngayon ay nagpapagaling sa pagamutan.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Shell St., sa kanto ng Tandang Sora, Brgy. Parang ng lungsod habang naglalakad ang biktima papunta sa bahay ng kanyang nobya.
Biglang sumulpot ang mga suspects na armado ng bato at kahoy na may pako sa dulo at pinaghahataw ang biktima bago kinuha ang cellphone at P1,000 cash ng huli.
Nang makuha ang pakay ay mabilis nang nagsitakas ang mga suspect, subalit agad din silang nahabol ng mga awtoridad. (Edwin Balasa)