^

Metro

Paslit dinukot ng ‘ninang to be’

-
Kalaboso ang isang ginang nang tangayin ang isang taong gulang na sanggol na babae na kanyang aanakin sa binyag, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Kasalukuyang nakakulong si Grace Morales, ng Letre Road, Brgy. Tonsuya ng nabanggit na lungsod.

Nasa ligtas namang kalagayan ang paslit na biktima na si Jessa na naibalik na sa kanyang inang si Jessica Pascual, 25, ng 19 Nora Victoria, Hulong Duhat ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga nang magtungo ang suspect sa bahay ng mag-ina at pinag-usapan ang nalalapit na binyagan ni Jessa kung saan isa si Morales sa magiging ninang.

Habang nagkukuwentuhan ay pansamantalang nagtungo sa comfort room ang ina ng bata at pagbalik nito ay wala na ang kanyang anak at ang kanyang magiging kumare.

Agad itong nagsumbong sa pulisya at sa ginawang follow-up operation ay natunton ang suspect sa bahay nito kasama ang bata.

Agad na inaresto ang suspect na humihingi naman ng patawad sa kanyang magiging kumare subalit hindi ito pinakinggan ng ina at itinuloy ang paghaharap ng kasong kidnapping.

Inaalam ng pulisya ang rekord ng suspect kung sangkot ito sa kaso ng mga nawawala at ibinebentang mga bata sa lungsod. (Rose Tamayo)

vuukle comment

BATAY

BRGY

GRACE MORALES

HULONG DUHAT

JESSA

JESSICA PASCUAL

LETRE ROAD

MALABON CITY

NORA VICTORIA

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with