^

Metro

Shipping industry sa bansa pabagsak na

-
Humihingi na ngayon ng saklolo sa pamahalaan ang mga shipping companies sa bansa dahil sa tuluyang pagbagsak ng industriya ng pagmamarina matapos na bumaba ng mahigit 50% ang bilang ng mga bumibiyaheng pasahero at mataas na presyo ng petrolyo.

Sa datos ng Philippine Inter-Island Shipping Association (PISA), may kabuuang 20% na ang ibinagsak ng mga biyahe ng iba’t ibang shipping companies dahil sa hindi na makayanan ang kanilang pagkalugi.

Sinabi ni Renato Paredes ng Negros Navigation na nagbawas sila ng biyahe sa mga destinasyon dahil sa nakakalulang presyo ngayon ng bunker fuel na ginagamit sa mga barko.

"High fuel prices surely are making shipping hard to survive if not completely killing it. Government assistance is badly needed," ani Paredes.

Dati-rati umano ay apat na beses bumibiyahe ang isang barko sa loob ng isang linggo ngunit ngayon ay 2 hanggang 3 beses na lamang. Bumaba rin sa 50% ang bilang ng mga pasahero na sumasakay ngayon.

Nagpahayag naman ng pag-asa si Paredes na maaaring makabawi sila ng pagkalugi ngayong darating na Undas dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong magsisiuwian sa kanilang mga probinsiya. (Danilo Garcia)

BUMABA

DANILO GARCIA

DATI

HUMIHINGI

NAGPAHAYAG

NEGROS NAVIGATION

PHILIPPINE INTER-ISLAND SHIPPING ASSOCIATION

RENATO PAREDES

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with