Ex-Capt. Jaylo nahaharap din sa kaso
October 18, 2005 | 12:00am
Matapos na maaresto ang 11 niyang mga tauhan sa pangongotong sa isang negosyanteng recruiter, sinampahan rin ng kasong usurpation of authority ng National Bureau of Investigation (NBI) si ex-Capt Reynaldo Jaylo dahil sa patuloy na pag-aresto sa mga hinihinalang illegal recruiter kahit binuwag na ang pinamumunuan niyang Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force (PAIRTF).
Itoy matapos na iprisinta kahapon nina Interior and Local Government Secretary Angelo Reyes at NBI director Reynaldo Wycoco ang mga tauhan ni Jaylo na sina SPO2 Santiago Sy, SPO1 Romeo Noreiga, PO3 Francisco Quito, PO2 Dexter Ramile, Rolando Arce, Allan Tubil, Ruel Lontoc, Ricardo Duque, Christopher Lucero at Mercy Grace Gamores.
Sinampahan na rin ang mga ito ng kasong paglabag sa Article 211-A o qualified theft, usurpation of authority at illegal possession of firearms sa Department of Justice (DOJ)
Sinabi ni Wycoco na nagdagsaan ang napakaraming complainant laban sa Task Force Hunter na pinamumunuan ni Jaylo.
Nagsasagawa na rin ngayon ng masusing imbestigasyon ang NBI at ang National Anti-Kidnapping Task Force sa report na pagdukot sa mga negosyante ng ilang tauhan ng Task Force Hunter. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended