Ito ang kahilingan ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) kay Reyes matapos magbigay ng permit si Atienza na naging dahilan ng madugong dispersal sa mapayapang prayer rally ng ma militante noong Biyernes.
Ayon kay PISTON Pres. Mar. Garvida, dapat ding papanagutin at sibakin si Executive Secretary Eduardo Ermita, PNP chief Arturo Lomibao, PNP-NCRPO chief Vidal Querol at Manila Police chief Pedro Bulaong.
Sinabi pa ni Garvida na "ministerial duty" lang ni Atienza bilang alkalde ang pag-apruba at pag-isyu ng rally permit. Wala umanong karapatan si Atienza na itakda kung saan puwede o hindi puwede magsagawa ng kilos protesta ang taumbayan dahil itoy garantisado ng konstitusyon.
Hiniling din ng lider-tsuper sa Kongreso na kagyat na ipawalang-bisa ang Batas Pambansa Blg. 880 o ang "no permit-no rally policy" na batayan ng Malacañang sa pagpapatupad ng Calibrated Preemptive Response. (Doris Franche)