^

Metro

Atienza suspindihin – PISTON

-
Pinasususpinde ng mga militanteng grupo kay Department of Interior and Local Govenment (DILG) Sec. Angelo Reyes si Manila Mayor Lito Atienza dahil sa pagtanggi ng huli na magbigay ng rally permit sa Mendiola.

Ito ang kahilingan ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) kay Reyes matapos magbigay ng permit si Atienza na naging dahilan ng madugong dispersal sa mapayapang prayer rally ng ma militante noong Biyernes.

Ayon kay PISTON Pres. Mar. Garvida, dapat ding papanagutin at sibakin si Executive Secretary Eduardo Ermita, PNP chief Arturo Lomibao, PNP-NCRPO chief Vidal Querol at Manila Police chief Pedro Bulaong.

Sinabi pa ni Garvida na "ministerial duty" lang ni Atienza bilang alkalde ang pag-apruba at pag-isyu ng rally permit. Wala umanong karapatan si Atienza na itakda kung saan puwede o hindi puwede magsagawa ng kilos protesta ang taumbayan dahil ito’y garantisado ng konstitusyon.

Hiniling din ng lider-tsuper sa Kongreso na kagyat na ipawalang-bisa ang Batas Pambansa Blg. 880 o ang "no permit-no rally policy" na batayan ng Malacañang sa pagpapatupad ng Calibrated Preemptive Response. (Doris Franche)

ANGELO REYES

ARTURO LOMIBAO

ATIENZA

BATAS PAMBANSA BLG

CALIBRATED PREEMPTIVE RESPONSE

DORIS FRANCHE

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

GARVIDA

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with