OBR simula na ngayon
October 17, 2005 | 12:00am
Sa mahigit 3,000 bilang ng mga pampasaherong bus, kalahati lamang dito ang awtorisadong makikilahok sa unang araw ng implementasyon ng Organized Bus Route (OBR) sa pangunahing lansangan ng Metro Manila kung kayat kakailanganin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tulong ng 13,000 police upang hulihin ang mga ito at tinatayang nasa P23 milyon ang ginugugol ng ahensiya para maipatupad ang naturang programa.
Ayon kay MMDA Traffic Operation Center (TOC) Director Angelito Vergel De Dios, sa 3,044 kabuuang bilang ng mga pampasaherong bus, 1,700 lamang ang naiparehistro sa MMDA at may mga sticker ng OBR.
Ang kalahati namang bilang na walang sticker ng OBR ay nangangahulugang hindi nakarehistro at maituturing na kolorum ang kanilang operasyon kapag pumasada sila sa mga lansangan ng Kalakhang Maynila.
Napag-alaman pa rin na ang mga provincial buses ay exempted sa pagpapatupad ng naturang programa at kahit wala silang sticker ng OBR ay hindi sila huhulihin. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended