Aircon van sa mga preso
October 17, 2005 | 12:00am
Mas magiging madali at maayos para sa mga preso ang kanilang pagtungo sa korte sa mga susunod na araw ng pagdinig sa kanilang mga kaso.
Itoy matapos na mag-donate ang Hessed Vessel Foundation ng isang airconditioned prisoners-bus type vehicle sa QC Jail na pinamumunuan ni Supt. Ignacio Panti.
Ayon kay Panti, maituturing na biyaya ang van dahil kulang sila sa sasakyan na panghatid sa mga presong may hearing mula Lunes hanggang Biyernes. Aniya, ginagawa ng QCJ na maisakatuparan ang mga hinaing ng mga preso sa abot ng kanilang makakaya upang maiwasan naman ang anumang karahasan.
Sinabi naman ni Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR) director Chief Supt. Armando Llamasares na ginagawa ng BJMP ang pagbibigay ng respeto at karapatang pantao sa mga inmate. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended