Oil depot sa Pandacan aalisin
October 17, 2005 | 12:00am
Nanganganib na mapatalsik ang "Big 3 oil companies" sa Pandacan, Maynila bunga na rin ng nakatakdang pagpasa ng ordinansa ng Manila City government.
Nabatid na nakatakda ngayong aprubahan ng Manila City Council ang Manila Comprehensive Land Use Plan and Zoning Ordinance of 2005 kung saan ibibilang ang lugar ng Pandacan oil depot sa commercial/residential.
Lumilitaw na walang anumang kasunduan sina Manila Mayor Lito Atienza at mga opisyal ng Petron Corporation, Pilipinas Shell at Caltex Philippines hinggil sa pananatili ng mga ito sa Pandacan.
Aniya, nais pa rin ng pamahalaan na mapaalis ang mga kompanya ng langis sa lugar bunga na rin ng panganib nito sa mga residente sa palibot nito. Marapat umanong isang malayong lugar ang kalagyan ng tatlong kompanya ng langis. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended