2 babae tigok sa sagasa
October 17, 2005 | 12:00am
Patay ang dalawang babae sa magkakahiwalay na lugar nang salpukin ng kotse habang tumatawid sa kahabaan ng Commonwealth Ave. at Balintawak, Quezon City.
Dead on arrival sa EAMC ang biktimang si Melanie Puyawan ng no. 43 Laura St. Old Balara, QC matapos na magtamo ng pinsala sa ulo at katawan habang nakapiit naman ang suspect na si Christian Dominic Yap, estudyante ng no. 20 Hontiveros St. BF Homes, QC.
Lumilitaw na dakong alas 10:30 kamakalawa ng gabi nang papatawid ang biktima sa Commonwealth Ave. at hindi namalayan at nasagasaan ng kotse ni Yap na Mitsubishi Lancer na may plakang TMZ-220.
Samantala, nasawi din ang isang hindi pa nakikilalang babae makaraang salpukin ng isang van habang papatawid sa North Diversion Road sa Balintawak.
Gayuman, kusang loob namang sumuko ang driver na si Renato Estrada, 36 ng Blk.70 Lot 14 Caballero St. Town C, North Marilao, Bulacan.
Naganap ang aksidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang mabangga ng Hyundai van na may plakang XDV-621 ni Estrada ang babae at tumilapon.
Sina Yap at Estrada ay kapwa nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended