Checkpoint sa QC lalong hinigpitan
October 17, 2005 | 12:00am
Tiniyak ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Nicasio Radovan, Jr.na hihigpitan nila ang mga checkpoint upang tuluyan nang mawala ang pagpasok ng ibat ibang sindikato na nagsasagawa ng iligal na operasyon sa lungsod.
Ayon kay Radovan, pinahigpitan na niya ang mga checkpoint sa Balintawak, Fairview at Novaliches na kadalasang dinaraanan ng mga kriminal upang isagawa ang kanilang operasyon laban sa mga inosenteng sibilyan sa QC.
Gayuman, sinabi ni Radovan na may iba pang checkpoint sa ibat ibang lugar sa lungsod laban na rin sa mga pinaghihinalaang mga karnaper, holdaper at drug pusher.
Sa katunayan, umaabot na sa 13 holdaper ang nasakote ng mga pulis QC mula sa ibat ibang lugar ng lungsod habang tatlong karnaper naman ang nadakip na isa dito ay nakilalang si Nicanor Lesaca y Cabe, 21.
Nabatid kay Radovan na tinutukan ni Lesaca ng baril noong Biyernes ng madaling-araw ang biktimang si Joel Legarde, taxi driver sa E. Rodriguez at itinakas ang sasakyan hanggang sa makorner ng mga awtoridad sa Libis.
Idinagdag pa ni Radovan na gumagala ang mga Mobile Police ng QCPD upang agad na makapagresponde sa mga nangangailangan ng tulong. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended