^

Metro

Pedicab driver tinarakan ng kapwa driver dahil sa pasahero

-
Isang pedicab driver ang sinaksak ng kapwa nito driver matapos na mag-agawan ang mga ito sa pasahero, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktimang si Francisco Ofrill, ng #1720 Dian St., Brgy. Palanan, ng lungsod na ito sanhi ng saksak sa katawan.

Nakakulong naman sa Makati City Police Station ang suspect na si Judy Barsa, 45, ng nabanggit ding lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa kahabaan ng Emilia St., Brgy. Palanan, Makati City.

Parehong pedicab driver ang biktima at suspect na nag-agawan sa mga pasahero hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Nakahagilap ng patalim ang suspect at inundayan nito ng saksak ang biktima.

Nadakip naman nang rumespondeng mga pulis ang suspect, habang ang biktima ay kaagad na isinugod sa nabanggit na pagamutan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

DIAN ST.

EMILIA ST.

FRANCISCO OFRILL

GINAGAMOT

JUDY BARSA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE STATION

PALANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with