^

Metro

Budget ng DOH hiling taasan

-
Nanawagan kahapon ang may 1,000 miyembro ng health sector kasama na ang mga doktor, nurses at mga estudyante sa Kongreso kaugnay sa bumabagsak na public health care system sa bansa.

Sa pangunguna ng Alliance of Health Workers (AHW) at Health Alliance for Democracy (HEAD, hiniling ng mga ito ang pagtataas sa budget para sa health department na hindi na nakakasapat para sa ibinibigay na health care services sa publiko dahil sa taunang budget cuts.

Ayon kay Emma Manuel, AHW chair, halos taun-taon ay nagtitiis at nagtitiyagang pinagkakasya ng mga public hospitals ang lumiliit na pondo na inilalaan para sa kanilang operasyon, pagbili ng suplay ng gamot, medical supplies at equipment.

Bukod dito, nahihirapan na rin ang mga health workers hindi lamang sa sobrang dami ng bilang ng pasyente na kanilang pinagsisilbihan ng lagpas pa sa kanilang working hours na walang bayad kundi ang mababang sahod.

Sinabi pa ni Manuel na mas nararanasan ng publiko ang pagbaba ng budget sa kalusugan lalung-lalo na ang mga pasyente sa mga probinsiya dulot ng kakulangan ng mga suplay.

Naniniwala ang dalawang grupo na ang health budget ay isang political decision kung saan ang panukalang budget nito para sa 2006 ay P10.575 bilyon na nagpapakita sa low prioritization ng administrasyon.

Umapela rin ang mga ito na rebyuhin ang Philippine health care delivery system ng bansa upang matugunan ang pangangailangan ng pasyente, maging ng health personnel. (Malou Rongalerios)

vuukle comment

ALLIANCE OF HEALTH WORKERS

AYON

BUKOD

EMMA MANUEL

HEALTH

HEALTH ALLIANCE

KONGRESO

MALOU RONGALERIOS

MANUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with