P.5-M halaga ng marijuana nasabat
October 14, 2005 | 12:00am
Limang bulto ng high-grade marijuana ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasabay na pagkakaaresto ng tatlong suspect sa isinagawang operasyon kahapon ng madaling-araw sa Maynila.
Kinilala ang mga naaresto na sina Whilem Papa, Estelito Tondo at Manuel Baruga, pawang mga crew ng MV/YM Xingang na mula pa sa Surabaya, Indonesia.
Tinatayang kalahating milyong pisong halaga ang nakumpiskang 45 kilos ng high-grade marijuana mula sa mga suspect.
Ayon kay Customs Commissioner Alexander Arevalo, kaagad silang humingi ng tulong sa PDEA at Phil. Coast Guard matapos na makatanggap ng ulat na paparating ang naturang barko kung saan may karga itong marijuana.
Mabilis namang hinabol ng Coast Guard ang barko at dito nadiskubre ang mga lumulutang na apat na bultong marijuana na parang mga kahoy na itinapon ng mga suspect sa dagat.
Nabatid na ang kapitan ng naturang barko ay isang German national at 12 Pinoy ang tripulante nito, kabilang ang tatlong suspect. (Gemma Amargo-Garcia at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended