Mister pinakalaboso ni misis
October 14, 2005 | 12:00am
Kalaboso ang isang mister matapos na tuluyang ipakulong ng kanyang misis nang ibili ng shabu ang perang ipambibili sana nila ng gamot ng kanilang anak na may sakit, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.
Kasalukuyang nakakulong si Fidel dela Cruz, 40, ng 539 PNR Compound, Caloocan City matapos itong ipakulong ng kanyang misis na hindi na matiis pa ang pagpapabaya nito bilang asawa at ama sa pamilya.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling- araw nang maaktuhan ng mga barangay tanod ang suspect na bumibili ng shabu sa kahabaan ng Lascano St., Brgy. Tugatog, Malabon City.
Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang suspect at makalipas ang ilang oras ay dumating ang misis nito at agad na sinuntok at tinadyakan ang kanyang mister.
Ayon pa sa ginang, inutusan niya ang kanyang asawa na bumili ng gamot para sa kanilang anak na may sakit subalit lumipas ang magdamag ay hindi pa ito bumabalik.
Nabatid na sa gamot nga ginamit ng suspect ang naturang pera, pero hindi sa gamot ng kanyang anak na may karamdaman kundi sa ipinagbabawal na gamot para sa kanya.
Narekober sa suspect ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest