^

Metro

Pagkamatay ng 4 na preso, sa Bilibid pina-iimbestigahan

-
Mananagot ang grupo ng prison guard kapag napatunayang rub-out at hindi shootout ang pagkamatay ng apat na preso na tumakas noong Linggo ng umaga sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Ito ang inihayag kahapon ni NBP chief Supt. Juanito Leopando matapos itong makatanggap ng isang ulat na wala umanong naganap na shootout sa pagitan ng mga prison guard at sa mga tumakas na preso na sina Edgar Macarce; Rolando Paraiso; Julio Delaretos Jr. at Job Damaso, isang dating pulis.

Nabatid na umaga pa lamang, unang idineklarang dead-on-the-spot si Macarce at sumuko naman ang tatlong kasama nito saka pinagbabaril.

Ngunit sa opisyal na ulat ng pamunuan ng NBP, dakong alas-6 ng umaga habang nagpapaalmusal sa mga inmates isa sa apat na preso ang nang-agaw ng baril sa isang guwardiya.

Mabilis umanong tumakas ang mga ito sa kanilang piitan sa building 14 ng Maximum Security Compound at doon nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga guwardiya at preso na umabot sa Brgy. Tunasan sa Muntinlupa City.

Inihayag ni Leopando na masusi nilang paiimbestigahan ang naturang insidente at kapag napatunayan aniya na rub-out ang nangyari mananagot ang grupo ng mga prison guard na sangkot sa insidente. (Lordeth Bonilla)

BRGY

EDGAR MACARCE

JOB DAMASO

JUANITO LEOPANDO

JULIO DELARETOS JR.

LORDETH BONILLA

MAXIMUM SECURITY COMPOUND

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

ROLANDO PARAISO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with