^

Metro

QC-police nilikida

-
Inambus at napatay ng hindi pa nakikilalang suspect ang isang tauhan ng Quezon City police habang ang una ay nakatambay sa isang tindahan sa Barangay Central sa nabanggit na lungsod, kahapon ng umaga.

Labing-apat na tama ng bala ng baril ang kumitil sa buhay ng biktimang si PO3 Salvador Gutierrez, 47, na nakatalaga sa Police Community Precint sa Quezon City Police District-Anonas Station at residente ng 36 Tacloban. Brgy. Culiat, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-9:20 ng umaga nang maganap ang pananambang sa harap ng isang sari-sari store sa 509 Sunflower St., Brgy. Central.

Napag-alaman na nakatambay sa isang tindahan ang biktima nang biglang lapitan ng suspect at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng baril.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang, habang patuloy namang kinikilala ang suspect kasabay ng manhunt operation laban dito. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BARANGAY CENTRAL

BRGY

CRUZ

CULIAT

POLICE COMMUNITY PRECINT

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-ANONAS STATION

SALVADOR GUTIERREZ

SUNFLOWER ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with