^

Metro

5 kidnaper utas sa PACER

-
Limang mga kidnappers ang nasawi makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng Presidential Anti-Crime and Emergency Response (PACER) matapos ang isinagawang rescue operation ng mga awtoridad sa isang negosyanteng Tsinoy na dinukot ng grupo ng una, kahapon ng tanghali sa Caloocan City.

Dalawa pa lamang sa mga suspect ang nakikilala. Ito ay sina Ronnie Rodriguez at Antonio Andaya at tatlong iba pa na pinaniniwalaang miyembro ng "Ilongo Waray-waray kidnap gang".

Ayon sa nakalap na impormasyon ni SPO3 Reynaldo Domingo, may hawak ng kaso ng Caloocan City police, dakong alas-11:30 ng tanghali nang maganap ang insidente sa kuta ng mga suspect sa Sapphire St., Block 13, Lot 44, Merry Homes Subdivision, Urduja ng nasabing lungsod.

Wala namang iniulat na nasugatan sa panig ng mga awtoridad sa naganap na shootout.

Ayon pa sa ulat, unang nakatanggap ng report ang mga awtoridad tungkol sa pinagkukutaan ng mga suspect kung saan doon nila dinala ang kanilang panibagong biktima na si Willy Chua, negosyante ng scrap iron at naninirahan sa Sitio Gitna, Quezon City. Nabatid na dinukot ito noon pang nakaraang Biyernes sa Novaliches.

Pinaligiran ng mga pulis ang kuta ng mga suspect nang matiyak na positibong nasa loob ang mga ito. Una nang pinasuko ang mga ito, subalit nagmatigas at agad na pinaulanan ng putok ng baril ang mga awtoridad.

Dahil dito, napilitan ang mga pulis na gumanti na rin ng putok. Tumagal ang pagpapalitan ng putok ng may 15 minuto at pagkatapos nito ay nakita nang nakahandusay at patay ang mga suspect.

Nabawi naman ang biktima na si Chua na hindi nasugatan sa naganap na shootout.

Narekober sa mga suspect ang matataas na kalibre ng baril. (Rose Tamayo at Joy Cantos)

ANTONIO ANDAYA

AYON

CALOOCAN CITY

ILONGO WARAY

JOY CANTOS

MERRY HOMES SUBDIVISION

PRESIDENTIAL ANTI-CRIME AND EMERGENCY RESPONSE

QUEZON CITY

REYNALDO DOMINGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with