Negosyante nilooban, pinatay
October 8, 2005 | 12:00am
Natagpuang patay at tadtad ng saksak sa katawan ang isang Tsinoy sa loob ng tindahan nito na hinihinalang nanlaban sa mga nanloob sa kanyang mga kawatan, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Patay na nang matagpuan ang biktimang si Chuana Tan, 75, negosyante, ng 71 Rubber Master St., Brgy. Lingunan ng nasabing lungsod ng misis nitong si Judith, dakong alas-4:45 ng umaga.
Sa salaysay ni Judith sa mga awtoridad, hindi nila alam na pinasok na nang magnanakaw ang kanilang lugar dahil natutulog silang mag-iina sa itaas ng kanilang bahay, habang ang kanyang mister ay nakasanayan nang matulog sa loob ng tindahan.
Nabatid pa sa imbestigasyon, lumalabas na dalawang hindi nakikilalang suspect ang nanloob sa tindahan ng biktima at ang tanging motibo ay pagnakawan ang matandang negosyante.
Maaaring nagising ang biktima at nanlaban sa mga suspect kaya ito tinuluyan ng mga salarin.
Gayunman, sa isinagawang pagsisiyasat ng SOCO walang nawalang pera at gamit sa loob ng bahay maliban sa nagkalat ang mga panindang de lata ng biktima sa flooring ng tindahan.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended