^

Metro

Trader dinukot sa Pasay

-
Dinukot ang isang 28-anyos na negosyante ng apat na armadong kalalakihan, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang biktima na si William Santos, ng Vergel St., ng nabanggit na lungsod.

Samantala, blangko pa rin ang pulisya kung sinu-sino ang mga suspect na mabilis na tumakas tangay ang biktima na isinakay sa isang kulay cream na van na hindi nakuha ang numero ng plaka.

Ayon sa reklamo ng misis ng biktima na si Vivian, 29, naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa panulukan ng Tramo at Vergel St. sa nabanggit na lungsod.

Sakay ang biktima ng kanyang scooter kasama ang anak nitong si Wiljei, 3 nang biglang harangin ng mga suspect na armado ng mga baril. Kaagad na kinaladkad ang biktima papasok sa van at tinangay pa ang scooter nito.Iniwan naman ang bata malapit sa bahay nito.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa pagdukot kay Santos at kung ito ay grupo ng kidnap for ransom gang. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

DINUKOT

INIIMBESTIGAHAN

INIWAN

KAAGAD

LORDETH BONILLA

NAKILALA

PASAY CITY

VERGEL ST.

WILLIAM SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with