^

Metro

400 kilos ng pampasabog, pasok na sa MM

-
Sinusuyod ngayon ng mga intelligence operatives ang Metro Manila upang hanapin ang tinatayang 400 kilos ng sangkap ng pampasabog na gagamitin sa Bali type bombings nang ipakakalat na mga babaeng Mujahideen warriors para maghasik ng kaguluhan.

Ayon sa isang senior intelligence officer ng AFP, na maliban sa mga Balik Islam o ang mga Muslim converts ay gagamitin rin ng mga teroristang grupo ang mga babaeng Mujahideen sa pagsasagawa ng pambobomba sa Metro Manila.

Binanggit sa ulat na kabilang dito ang mga asawa ng napaslang na lider ng teroristang Abu Sayyaf sa naganap na 30 oras na standoff sa Bicutan seige noong Mayo 16 sa Camp Bagong Diwa.

Ayon sa intelligence officer ang nasabing 400 kilo ng ammonium nitrate at iba pang sangkap ng pampasabog ay hawak ng nasabing mga terrorist groups.

Aminado naman ang opisyal na nahihirapan silang matukoy ang pinagtataguan ng nasabing mga teroristang grupo dahilan sa nagpapalipat-lipat ang mga ito ng kanilang safehouse.

Samantala, sa isa pang ulat, ikinasa na umano ng mga teroristang grupo ang "November terror attack" kung saan ay plano ng mga itong magsagawa ng mga pambobomba sa Metro Manila at iba pang pangunahing lungsod pagkatapos ng Holy month ng Ramadan.

Ayon naman kay Senior Supt. Felipe Rojas Jr. intelligence chief sa NCRPO na hindi umaatake ang mga Islamic extremists sa panahon ng isang buwang Ramadan dahilan sa inoobliga ang mga Muslim na mag-ayuno o magtika alinsunod sa kanilang pagsamba kay Allah.

Ang naganap na panibagong pambobomba sa Bali, Indonesia ay isinagawa bago mag-umpisa ang Ramadan. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AYON

BALIK ISLAM

CAMP BAGONG DIWA

FELIPE ROJAS JR.

JOY CANTOS

METRO MANILA

MUJAHIDEEN

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with