2 miyembro ng Pansit Gang, arestado
October 7, 2005 | 12:00am
Kalaboso ang dalawang lalaking miyembro ng "Pansit gang" matapos na maaktuhang pinuputol ang kable ng telepono sa taas ng isang poste, kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.
Nakilala ang mga nadakip na sina Deo San Diego, 21, ng 335 Santiago St., Brgy. Vicente Reales at Bryan Cruz, 19, ng Brgy. Lingunan ng nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling araw nang madakip ang mga suspect sa may kahabaan ng San Lazaro St., Brgy. Dalandanan.
Kasalukuyang nagsasagawa ng routinary patrol si PO2 Francisco Araza kasama ang ilang barangay tanod nang mapansin si San Diego na balisang nakatayo sa ilalim ng isang poste.
Nang lapitan si San Diego ng mga awtoridad para tanungin ay tinangka pa nitong tumakbo subalit napigilan siya ng mga tanod.
Pagtingala naman ng mga awtoridad ay nakita ang kasamahan nitong si Cruz na nilalagare ang mahigit sa 200 kilong kable ng telepono na nagkakahalaga ng may P300,000.
Dahil dito ay agad na inaresto ang mga suspect at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended