7 miyembro ng robbery/ holdup syndicate, timbog
October 6, 2005 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pitong kalalakihan na pawang mga miyembro ng Jiovanie Mag-aso Payroll Robbery Hold-up Syndicate na nag-ooperate sa ilang lugar sa Metro Manila.
Kinilala ni NCRPO chief Director Vidal Querol ang mga suspect na sina Santiago Renieva, 36; Joivani Magaso, 35; Paterno Cabilangan, 23; Rosendo Bayron, 36; Pedro delos Santos, 42; Dennis Harayo, 22 at Fernando de Jesus , 41.
Nasakote ang mga suspects sa isinagawang follow-up operation sa lungga ng mga ito sa Sapa Bisalao, Bagbaguin, Valenzuela City dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi matapos na holdapin ang isang Catalina delos Reyes, 33, clerk ng Metro Power Services Agency & Company.
Narekober sa mga suspects ang nakulimbat ng mga itong P40,000, Leuba ladies wristwatch at mga gamit nilang granada, isang cal. 38 baril at limang mahahabang patalim.
Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest