Multi-milyong scam sa POEA-Mindanao bubusisiin ng NBI
October 4, 2005 | 12:00am
Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) ukol sa nadiskubreng multi-milyong scam sa Philippine Overseas Employment Administration-Mindanao (POEA) ukol sa hindi pagre-remit sa kontribusyon sa Phil-Health ng mga overseas Filipino workers (OFW).
Pansamantalang itinago ngayon ng NBI-Mindanao ang pangalan ng mga opisyal at empleyado ng POEA-Mindanao upang hindi masawata ang isinasagawang imbestigasyon ngunit nabatid na isa sa mga suspect ang tuluyan nang nag-AWOL (absent without official leave).
Isa naman sa mga ito ay nananatili pa sa trabaho ngunit nagbayad na ng higit P200,000 na back remittances sa PhilHealth.
Sa ulat na natanggap ng NBI buhat sa POEA, nabatid na isang OFW ang nakadiskubre sa multi-milyong anomalya matapos na hindi ito makakuha ng kanyang benepisyo sa PhilHealth dahil sa hindi pagre-remit ng kanyang kontribusyon.
Tinanggap naman ni POEA Mindanao director Francis Domingo ang imbestigasyon ng NBI at sinabing nagsasagawa rin sila ng sarili nilang imbestigasyon sa kaso.
Sinabi nito na maging umano siya ay nasorpresa sa modus-operandi ng mga suspect na kabilang sa anomalya dahil sa mahusay na pagkakatrabaho ng mga ito. Ngunit sinabi rin nito na may mas malalim pang anggulo ang anomalya at posibleng may mga sangkot na malalaking pangalan.
Ipinangako nito na makikipagtulungan siya sa NBI at isiniwalat ang pangalan ng mga empleyado niyang sangkot sa scam habang sinisiguro rin sa publiko na gagawin ang lahat upang hindi na maulit ang naturang anomalya. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended