1 pang miyembro ng Dose Pares Gang laglag

Isang pang pulis na pinaniniwalaang miyembro ng Dose Pares gang ang nadakip matapos na inguso ng kanyang mga kasamahan na kumidnap sa Tsinoy engineer at kanilang pinatay.

Si PO2 Allan Verania ay agad na hinuli nang magreport sa CIDG-NCR noong Biyernes nang ituro ni PO1 Candido Vallejo na unang naaresto bunga ng pagdukot kay Michael Chan, 44, noong Setyembre 15, sa Katipunan Road at matapos ang dalawang araw ay natagpuan na itong patay sa Marcos Hi-way Brgy. Inarawan, Antipolo City.

Napag-alaman na magka-batchmate sina Verania at Vallejo sa PNPA subalit itinanggi ng una ang akusasyon.

Si Verania at apat pang pulis na naaresto ay pawang mga miyembro ng Dose Pares Gang na sangkot sa malalaking robbery hold-up, pagpatay at kidnapping sa Metro Manila. (Edwin Balasa)

Show comments