Binata, utas sa isang pamilya
October 3, 2005 | 12:00am
Masusing iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang motibo ng pamamaslang ng isang pamilya nang pagtulungan umano ng mga ito na barilin ang isang binata kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot pa ng buhay sa President Diosdado Macapagal Memorial Hospital ang biktimang si Cornelio Cordero III, 31, ng no. 117 Libis Balong Bato, Brgy. 18 ng nabanggit na lungsod.
Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa mga suspect na sina Ruding Sison, mga anak na sina Ruel, Joel, Rodma at manugang na si Oscar Labadia pawang mga residente ng Libis Nadurata ng nabanggit ding lungsod.
Sa pahayag ng saksi at pamangkin ng biktima na si Virgilio Santos, nakasalubong ni Cordero ang mga suspect at sinabihan ng "Putang ina mo, matikas ka ba sa lugar na ito?" at saka binaril ng malapitan .
Nang bumagsak ang biktima, si Santos naman ang pinagbalingan ng mga suspect at sinabihan ng "Ikaw! Isa ka pa" at saka mabilis na tumakas. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended